Posted by
makatang pluma
In:
The Magic Lives On...
Okay, nung una sabi ko ang blog na ito ay para sa lang sa mga nilikhang kong kalokohan na medyo makata/matalinhaga at kung anu ano pang kalokohan..Binabawi ko na..itong blog na ito ay para sa mga gusto kong ikwento na hindi kasya sa character limit ng twitter..haha
(Just finished my cup of coffee at 12:19 pm)
Okay, kahapon (Nov. 6, 2010) pumunta kami ng Enchanted Kingdom [weeeeeeeeeee!]. Matagal na nilang pinaplanong pumunta dito, kaming magkakaibigan pero never natuloy. Finally kahapon natuloy din. Thank you Lord! haha.
So, lahat silang kasama nasa Bulacan, ako nasa Manila pati si IJ kasi may pasok na sa FEU. Ang pinoproblema ko lang nun kung pano ako mapupuntahan nung mga kasama ko. Ayos na, planado na lahat. 7am ang call time. 7AM! napakaaga diba?kung tutuusin, 11 pa naman bukas ng EK. excited ba?haha. Pero as usual di naman nasusunod yang call time na yan. Late lahat. By 10am we were on the way to Laguna. Nakalimutan ko kung anong oras kami nakarating pero sobrang init na nun! :/
Because my friends and I are retards, ridiculous and very very AWESOME, Carousel ang una namin sinakyan. Saya men. Nagrereklamo si JM dun sa horse nya kasi di daw gumagalaw! haha. Next stop was the bump cars. Di kami lahat pumunta dun. 5 lang ata kami dun. 9 of us tried the "EKstreme Tower Ride." Di ako sumama dito, di kaya ng puso ko. haha. 3 kaming nanunuod sakanila sa room sa gilid nun. Nakakatawa kasi nung bago pa magstart yung ride, nakakatawa yung itsura ni Atab kasi halatang kabado na. Sa side namin ang kita lang si Norika at Atab. Chill lang si Norika, mukhang excited. Nung nagstart na yung ride, inaabangan na namin bumagsak. ANG EPIC NG ITSURA NI ATAB pagbagsak nung seats nila! As in! Nung tinitgnan namin yung pictures lahat kami PINAGTATAWANAN YUNG PICTURE NYA!Sobrang nakakatawa talaga! :))))))
Flying fiesta ata yung next namin sinakyan. Chill lang dun. Nag-uusap pa kami ni Mai. Haha. Sabi ko sakanya magpapansin sya, ilaglag nya yung sapatos nya pag tapat sa mga tao. Haha. Basta chill lang, nag-uusap pa kami. haha. Next was Jungle Log Jam. Eto intense. 6 lang kami dun. The line was sooooooooooooooo looooooooooooooooooooooong. Sobra talaga. Yun yung pinakamatagal naming pinilahan. Grabe lang. I was with IJ and JM on this one. Hahaha.. Katawa.. Sabi nung nagpipic dito, "Ma'am tingin po sa camera." sabi nya yun kay IJ! HAHAHA! Pigil yung sigaw ko. Hahaha. Pero nakakatawa, nakakatuwa. Ang saya lang. Ang ganda ng shot ni JM dito. Astig men. Next namin yung Anchor's Away. Nakakakita pa kami ng artista dito pero di namin alam pangalan nya. Haha. Dun kami naka upo sa pangatlo sa dulo, tapos yung boys sa other side sa dulo. At first I was like, Ok lang, tas nung pataas ng pataas. Ang cool! hahaha. di ako sumisigaw kasi wala lang, ayoko lang, tas sabi nila sobrang natakot daw ako kasi di ako gumagalaw. Eh ayokong itaas kamay ko, kalokohan! haha. pero fun. astig astig.
We took a break, bumalik kaming girls sa sasakyan kasi magpapalit sila ng damit. Pagkapalit bumalik na kami. We wanted to go to Rialto but the line was too long and sobrang matagal eh. We went to the ferris wheel. I was on it with IJ, JM and Renz. Nabaliw yung magbestfriend dito. Si IJ saka si JM nagtrip, sigaw sila ng sigaw ng sigaw. Pag pababa na, tas nakikita ng mga tao, sisigaw sila ng napakalakas talaga. Ang ginaw sa taas. My hair was a mess when we got off. Grabe lang. haha. Pinag iisipan nila kung magririo muna o space shuttle muna. Hindi na kami nag space shuttle kasi we were so tired and all gusto na lang nila magchill. haha. Huli naming ride was Rio and this was the "funnest" and funniest ride of all! I was on the raft with IJ, JM, Renz, GP and Reden. We were laughing the whole time kasi si JM laging nababasa, si GP natapat sa shower. Nung patapos na yung ride, eto na yung last wave, the raft was turning, tapos, NATAPAT SAKIN! fuckshit! SOLID! BASANG BASA BUONG PAGKATAO KO! hahaha. worst part, wala akong daling kahit ano! dala ko lang cp, ipod, wallet and keys. napakaswerte kong bata. WE were laughing at me. Hahaha. Sabi ni IJ sakin, malas ko daw sabi nya di na daw sya magpapalit ako na daw gumamit nung shirt nya. Pero basa na din sya eh, ayoko. Tapos hinug ko sya hahaha ayun, nabasa lalo. haha. Me nakita kaming shirt dun sa van so i borrowed it. Ayun. Nakapagpalit naman ako.
We left when the fireworks were about to start. Nakita din naman naman yung fireworks nung nasa van na kami. Ayun, we stopped over sa select. They ate at KFC, Mai, Renz and I went for Jollibee Sundaes and fries. Laughed at stuff and all. Sobrang saya ng araw na to. As in.
Just sayin'. :)
Posted on
-
0 Comments
Subscribe to:
Posts (Atom)