right_side

Followers

Powered by Blogger.
In:

Tsokolate

Hello mga pare! Ang blog ko ngayon ay tungkol sa tsokolate.

Sa mga oras na to dapat ay gumagawa na ko ng research/essay tungkol sa mga chokolate pero hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan. May idea ba kayo para sa magandang introduction para sa essay tungkol sa mga tsokolate?

Sa mga chocoholics, ano ang favorite nyong chocolate?

Dapat talaga simulan ko na ang essay/research ko. Hindi magandang gawain ang procrastination. Wag nyo kong gagayahin. haha.

Alam nyo ba yung Spongebob episode na to? haha. Nakakatawa yung tagalog version ng Spongebob. Korni pero, guilty pleasure ko yun. Pero joke lang. Natutuwa lang ako sa kalokohan ng magbestfriend na to eh. Eto yung nagbebenta sila ng mga tsokolate. Tapos yung isda na yan, kala nila lalamunin sila kasi nung binentahan nila, bigla na lang nagsisigaw ng "Tsokolate? Tsokolate!!" kaya tinatakbuhan sya nung magbff. haha. tas yung wirdong isda, sya din pumakyaw ng mga tsokolate nila spongebob.

Di ba kayo nagtaka ni minsan kung ano ang trabaho ni Patrick Star? Kung pano sya kumakain, o kung pano sya nabubuhay? 

"Because of this ability to digest food outside of its body, the sea star is able to hunt prey that are much larger than its mouth would otherwise allow, such as clams and oysters, arthropods, small fish, and mollusks. However, some species are not pure carnivores, and may supplement their diet with algae or organic detritus. Some of these species are grazers, but others trap food particles from the water in sticky mucus strands that can be swept towards the mouth along ciliated grooves" - Wikipedia

Yan ang nahagilap kong sagot tungkol sa mga kinakain ng mga starfish. Akala ko makakahanap ako ng sagot tulad ng pwedeng tumagal ang mga starfish ng di kumakain blah blah. Hindi pala ganun yon. haha.


Oo, mas nageffort pa kong maghanap ng kung anu-anong impormasyon tungkol kay Patrick Star at sa mga starfish kesa umpisahan ang essay/research ko na due na bukas ng umaga. Nice job LA, you deserve a pat in the back. Batok!

May nagbabasa ba ng blog na to? haha. Kung meron, Hi sayo! Sana wala kang essay/research na pending at due na bukas at mas pinili mo pang basahin ang blog ko. Kung meron man, umpisahan o tapusin mo na yan. Dito na rin naman nagtatapos ang entry na to. Ciao!





Kulet. Tapusin na sabi eh. Tsupi! :D


In:

Takbo tayo!

Okay, sa October 10, 2010 ako ay tatakbo sa palibot ng SM Mall of Asia kasama ang mga kaibigan ko! :) Kasali kami sa "A Run for the Pasig River." Hindi ako yung tipo ng tao na sumasali sa mga ganito, o kaya tumatakbo, o kaya nag-eexercise, kaya ako mataba eh. haha.

We joined this benefit run because we are required to for our NSTP class. Our goal is not to win the race, but finish it and be counted as one of the people who took a step and contributed to the cleaning of the pasig river. 

Sino pa ibang tatakbo sa 10.10.10? See you there! Sa mga hindi pa nagpaparegister, magparegister na kayo, wala naman mawawala sa inyo eh, makakatulong pa kayo sa kalikasan. For those people who are promoting "going green," anti global warming, etc., why don't you put your words into action and take a step. And then continue your step until you reach the finish line. Exercise din to mga teh! Tara, takbo tayo! :)

For more information about the run, please visit: www.101010runforpasigriver.com

Dapat nagrereview ako ngayon eh. Prelim week namin. haha. Mahirap mag-aral kapag may internet connection. haha. Sino pa ang mga may exams ngayong week at imbes na mag-aral eh nagfafacebook, twitter, tumblr, plurk, blogger at kung anu-ano pang social networking sites? Ikaw? Cheers pare! :)

In:

Piliin mong mabuti kung ano ang ilalagay mo sa playlist ng buhay mo :)

Hanga ako sa mga kanta. Oo, mga kanta. Play. Malungkot ang kanta. Maiisip mo lahat ng mga hinanakit mo sa ibang tao, sa buhay, sa mundo. Masisimula kang magsulat hanggang sa palalim na ng palalim ang mga salitang naitatala pata ang emosyong pinaghuhugutan nito. Shuffle. Uy, party song. At yun, sa isang iglap lang nawala lahat ng kalungkutan. Maiisip mo na lang, "ano bang ginagawa ko?" Babasahin ang naitala, at tatawa pagkatapos. Sa simpleng pagpindot ng next button, kasabay nito ang paglipat ng emosyon. Malungkot, masaya, inlove, broken hearted, etc., etc. Sa isang pindot, panibagong alaala ang maiisip mo. Pero, pano ang mga taong nagsanhi at naging dahilan ng mga alaalang to? Kasama ba sila sa paglipat ng kanta? Sana ganun lang kadali ang buhay. Isang pindot lang, malilipat ka na sa panibagong yugto. Maaari kang magskip ng kalungkutan o i-repeat ang masasayang alaala. Pero hindi eh. Hindi mo pwedeng i-skip ang mga taong nanakit sayo. Tandaan mo, kung hindi dahil sakanila, hindi ka magiging kung sino at ano ka ngayon. Hayaan mo, nakashuffle ang buhay mo. Hindi mo alam kung ano ang susunod na magpeplay. Malay mo, yung susunod na kanta yung paborito mo o di kaya theme song na ng buhay mo.


Date created: Aug. 8, 2010 11:55p.m.

In:

Hi :)

Ang blog na ito ay ginawa para sa wala lang. Hindi ako naghahangad ng atensyon ng maraming tao. Ito ay koleksyon ng mga naisulat kong hindi ko alam kung ano ang tawag. haha. Hindi naman mga tula o mga kwento. Kung ano lang ang maisip ko. Hindi ko rin naman sinasabing napakaganda ng mga sinulat at isusulat ko. Hindi rin makata o matalinhaga o kung ano man. Feeler lang. Sige, wala naman kayong masyadong mapapala dito. haha. Sige, paalam. :)