Hanga ako sa mga kanta. Oo, mga kanta. Play. Malungkot ang kanta. Maiisip mo lahat ng mga hinanakit mo sa ibang tao, sa buhay, sa mundo. Masisimula kang magsulat hanggang sa palalim na ng palalim ang mga salitang naitatala pata ang emosyong pinaghuhugutan nito. Shuffle. Uy, party song. At yun, sa isang iglap lang nawala lahat ng kalungkutan. Maiisip mo na lang, "ano bang ginagawa ko?" Babasahin ang naitala, at tatawa pagkatapos. Sa simpleng pagpindot ng next button, kasabay nito ang paglipat ng emosyon. Malungkot, masaya, inlove, broken hearted, etc., etc. Sa isang pindot, panibagong alaala ang maiisip mo. Pero, pano ang mga taong nagsanhi at naging dahilan ng mga alaalang to? Kasama ba sila sa paglipat ng kanta? Sana ganun lang kadali ang buhay. Isang pindot lang, malilipat ka na sa panibagong yugto. Maaari kang magskip ng kalungkutan o i-repeat ang masasayang alaala. Pero hindi eh. Hindi mo pwedeng i-skip ang mga taong nanakit sayo. Tandaan mo, kung hindi dahil sakanila, hindi ka magiging kung sino at ano ka ngayon. Hayaan mo, nakashuffle ang buhay mo. Hindi mo alam kung ano ang susunod na magpeplay. Malay mo, yung susunod na kanta yung paborito mo o di kaya theme song na ng buhay mo.


Date created: Aug. 8, 2010 11:55p.m.