Hello mga pare! Ang blog ko ngayon ay tungkol sa tsokolate.

Sa mga oras na to dapat ay gumagawa na ko ng research/essay tungkol sa mga chokolate pero hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan. May idea ba kayo para sa magandang introduction para sa essay tungkol sa mga tsokolate?

Sa mga chocoholics, ano ang favorite nyong chocolate?

Dapat talaga simulan ko na ang essay/research ko. Hindi magandang gawain ang procrastination. Wag nyo kong gagayahin. haha.

Alam nyo ba yung Spongebob episode na to? haha. Nakakatawa yung tagalog version ng Spongebob. Korni pero, guilty pleasure ko yun. Pero joke lang. Natutuwa lang ako sa kalokohan ng magbestfriend na to eh. Eto yung nagbebenta sila ng mga tsokolate. Tapos yung isda na yan, kala nila lalamunin sila kasi nung binentahan nila, bigla na lang nagsisigaw ng "Tsokolate? Tsokolate!!" kaya tinatakbuhan sya nung magbff. haha. tas yung wirdong isda, sya din pumakyaw ng mga tsokolate nila spongebob.

Di ba kayo nagtaka ni minsan kung ano ang trabaho ni Patrick Star? Kung pano sya kumakain, o kung pano sya nabubuhay? 

"Because of this ability to digest food outside of its body, the sea star is able to hunt prey that are much larger than its mouth would otherwise allow, such as clams and oysters, arthropods, small fish, and mollusks. However, some species are not pure carnivores, and may supplement their diet with algae or organic detritus. Some of these species are grazers, but others trap food particles from the water in sticky mucus strands that can be swept towards the mouth along ciliated grooves" - Wikipedia

Yan ang nahagilap kong sagot tungkol sa mga kinakain ng mga starfish. Akala ko makakahanap ako ng sagot tulad ng pwedeng tumagal ang mga starfish ng di kumakain blah blah. Hindi pala ganun yon. haha.


Oo, mas nageffort pa kong maghanap ng kung anu-anong impormasyon tungkol kay Patrick Star at sa mga starfish kesa umpisahan ang essay/research ko na due na bukas ng umaga. Nice job LA, you deserve a pat in the back. Batok!

May nagbabasa ba ng blog na to? haha. Kung meron, Hi sayo! Sana wala kang essay/research na pending at due na bukas at mas pinili mo pang basahin ang blog ko. Kung meron man, umpisahan o tapusin mo na yan. Dito na rin naman nagtatapos ang entry na to. Ciao!





Kulet. Tapusin na sabi eh. Tsupi! :D